by: Sec. Jeslie Lapus
KAMAKAILAN ay naimbitahan tayo na maging graduation speaker sa isang “espesyal” na high school sa Cavite. Sa stage, katabi ko ang isang Koreanong bisita na sa aking pagtatanong ay nalaman ko na isa palang chief executive officer ng isang kompanya sa industrial belt sa Laguna. Sa isang tabi ko naman ay isang German national na bisita din. Pero ang ikinagulat ko ay nang malaman ko na ang Koreano pala ay alumni din ng eskwelahang ito na sadyang itinatag para sa mga kabataang minsa’y pinagmalupitan ng lipunan at sariling tahanan. Aba, espesyal nga pala talaga ang Sisters of Mary School.
Ang Sisters of Mary School ay non-stock, non-profit, high school na itinayo para kalingain at bigyan ng libreng high school education ang mga mahihirap. Ito ay suportado ng donasyon mula sa mga indibidwal at institusyon dito at sa labas ng bansa.
Napakalinis ng eskwelahan na binubuo ng Sisters of Mary Boystown (population:2,200) at Girlstown (3,500) sa magkahiwalay na campus sa Silang, Cavite. Para kang nasa loob ng PMA sa ipinakitang disiplina at kaayusan, maging sa hitsura ng gupit, uniporme at galaw ng mga estudyante. Meron din silang boystown at girlstown campus sa Cebu para naman sa mga kabataang yagit sa Visayas at Mindanao.
Mga nasa laylayan ng lipunan
Ang mga batang kinukupkop dito ng mga madre ay
mula sa mga broken homes, palaboy sa lansangan, mga kabataang nasa laylayan ng ating lipunan. Una itong itinatag ng nasirang si Msgr. Aloysius Schwartz sa South Korea na kilala din sa bansag na Fr. Al. Ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for International Understanding noong 1983. Napadpad siya sa Manila kasi inimbitahan siya ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na magtayo din ng Boystown at Girlstown dito sa atin. Ang The Sisters of Mary of Banneux, isang religious congregation na itinayo din ni Fr. Al, ang nagpapatakbo ng school. Taun-taon umaabot sa 12,000 high school boys and girls ang nabibiyayaan ng pagkakalingang ito ng Sisters of Mary School.
Dahil sa ipinamalas na bisa ng modelong ito, ang Sisters of Mary Schools ngayon ay nasa Mexico, Guatemala at Honduras na. “Libu-libong“ individuals na regular donors sa buong mundo...kahit as low as $5 nakakatanggap sila.
Masasabi nating espesyal ang school na ito dahil sa halip na dalawang buwan sa isang taon ang bakasyon, dalawang linggo lang ang bakasyon ng mga estudyante dito. Live-in sila dito at libre ang pagkain, tuition, libro at uniform. Ang mga guro dito ay mula sa mga prestihiyosong unibersidad na binibigyan ng magandang sahod at maayos na benepisyo.
Dekalidad ang aral dito at may malakas na technical-vocational curriculum bilang paghahanda sa mga bata sa mundo ng dekalidad din na hanap-buhay. At meron silang espesyal na permiso sa DepEd at DOLE upang ang mga fourth year students ay makapag-on-the-job training na. Hindi ba’t ito ang layunin na binabalak ng DepEd na programang K to 12?
Espesyal ang kanilang curriculum, tinatapos nila ang academic load mula first hanggang third year. Sa technical-vocational skills naman sila nakatutok pagdating sa fourth year. Kabilang sa skills ang call center training, garments production, baking, music, painting at Spanish classes kung saan isang Mexicana ang kanilang guro na graduate din ng Sisters of Mary.
Ang mga bata ang nananahi ng kanilang uniporme, nagbabake ng kanilang tinapay at gumagawa ng mga tungkulin bilang bahagi ng isang higanteng tahanan at pamilya.
Espesyal permit mula kay Ka Blas
At may espesyal din silang permiso mula sa DOLE na ipinagkaloob pa noong panahon ni dating Kalihim Blas Ople na pwede na silang magtrabaho kahit 16 taong gulang pa lang dahil sa kanilang kasanayan sa mga piniling skills.
Sa katunayan, nasa top 20 ang mga graduates ng Sisters of Mary noong kumuha sila ng maritime officers’ course sa isang top maritime college kung saan gumagana sila ngayon ng U.S.$1,400 kada buwan. At alam n’yo ba na parating mataas ang ratings ng mga bata sa National Achievement Test at National Career Aptitude Examination. Maging sa sports, anim na taon na silang champion sa Milo Olympics. Mga pruweba na dekalidad ang graduates ng paaralang ito.
’Yung German business executive na katabi ko sa stage ay nandu’n din dahil nag-sponsor siya ng football training sa mga estudyante. At alam n’yo ba na mula nang matuto sila ng football ay hindi pa sila nakakatikim ng pagkatalo. Bakit kaya ganun sila kasigasig? Kasi umaasa sila na dahil sa kanilang galing sa football maaari silang matanggap on athletic scholarship at makatapos ng kolehiyo. Paging, colleges and universities!
Nakakatuwa, nakakamangha kung paano sila inaaruga at hinahasa ng Sisters of Mary para sa tunay na mukha ng buhay. Sa ngayon ay patuloy silang naghahanap ng sponsor upang mapanatiling operasyonal ang school. Kailangan din ng mga graduates nila ng suporta upang makapagpatuloy sa kolehiyo o matanggap bilang varsity.
Anong klaseng motibasyon kaya ang ipinadama ng mga madre upang magkaroon ng hindi mamamatay na pag-asa ang mga batang ito? Anong klaseng pagkalinga kaya ang ipinakita ng mga madre upang lumaking masikap at tumatayo sa sariling lakas? At may malalim na paniniwala na nasa edukasyon ang solusyon.
Ang tunay na pagmamahalan at pag-aaruga sa loob ng apat na taon ang pinakamahalagang paghubog sa mga bata. Kaya pagka-graduate, tunay na buo ang mga katangian ng edukasyon... praktikal, may tiwala sa sarili at kapaki-pakinabang. Maka-Diyos at makataong mamamayan.
Espesyal talaga. At modelo.
Sapat na classroom sa loob ng dalawag taon!
Lumalabas sa pakikipag-ugnayan ng Management Association of the Philippines, kung saan ang inyong lingkod ang chairman ng education commitee, sa iba pang sektor na mukhang lumilinaw na ang mga hakbang na dapat gawin upang mapunuan ang kakulangang 150,000 classrooms sa ating mga public schools.
Sa ganang akin, hinog na ang panahon at upang gawin ito hindi lang ng DepEd kundi ng mga katuwang sa pribadong sektor, sa Congress, mga local government units at executive branch. Nasa atin ang political at economic momentum upang gawin ito. It is now or never.
Bilang kinatawan ng sektor ng negosyante, isa itong magandang pagkakataon para sa pribadong sektor na tumulong hindi lang sa pamamagitan ng kanilang foundation o corporate social responsibility projects kundi bilang isang lehitimong business proposition din.
Kayo ang unang makakaalam ng mga susunod naming hakbang upang matupad ang mithiing ito sa target date na 2013. Para sa bayan ang tagumpay ng layuning ito.
19 comments:
All information that they have written are true.. AThletes form this school are good. Not just in sports but also in academic.. Galing ng mga taga sisters of mary. I'm very proud for being one of the fruit of the kindness of our founder Msgr. Aloysius Schwartz.. thanks for all..
no doubt, the sisters of mary school boy's town/girl's town the best in all levels and discipline, i know it because i'm one of the product of the sisters of mary school
Sec. Jeslie Lapus
I am so grateful to hear great words from you. As a graduate of The Sisters of Mary and being a daughter of Fr. Al has truly developed me to be a good citizen of this country and helps me strengthen my faith to God.
sir,
slamat sa ginawa nyo pong ito, sana mbasa po ito ng marami. hindi lang ng mamayan, pati na sana mga lider ng lipunan, lalu na ung sa sektor ng edukasyon at paggawa...
mrami ng patunay ang npakalaking dulot ng pgbabago s bawat buhay naming mga graduate ng eskwelehang ito... ito ay ipinagpapasalamat namin ng malaki...
Sir:
Maraming salamat po sa paglathala ukol sa The Sisters of Mary School... isa po ako sa mga graduate ng SMS..at habang binabasa ko po ang detalye ng iyong katha, ang aking mga balahibo'y tumatayo... sa galak at pasasalamat sa aking Alma Mater... Sa iyo pong salaysay, muling nanumbalik sa aking isipan ang lahat na aking naranasang pag-aaruga, pagmamahal at pagpapahalaga sa loob ng Sisters of Mary School.. and that I WILL TREASURE FOREVER...
Thank you so much sir.. for giving us, our school, our benefactors and our founder to be recognized...
God bless!
sir jess,
maraming salamat po sa pagkakataon na ibinigay nyo,para mailathala ang buhay at hangarin ng eskuwelahang ito.bilang isang graduate ng SOM taos puso po akong sumasaludo sa inyo.lagi nawa po kayong pagpalain ng Panginoon sa inyong mga mithiin at hangarin.Mabuhay po kayo.
Ad Majorem Dei Gloriam
As I am reading this my eyes got teary
:) ...it was such a blessing that I was once a student of this Institution and I am very grateful and very much thankful to our dear Fr. AL, and to our sisters who had patiently guided us for almost 4yrs, who molded us for what we are now, and for our teachers thank you. And for all our benefactors who continously giving out their helping hands THANK YOU. And for you sir who wrote this thank you for recognizing my dear Alma Mater.
isang magandang halimbawa po ito na dapat ay ginagaya ng ating gobyerno para mas lalong mabawasan ang mahihirap at lalong umunlad ang pilipinas, hindi n sila mahihirapan kc may model n sila sa pagtuunan ito ng pansin ng sec of educ maraming salamat po
Thanks for the article and to the author who generously posted this.
I am proud to be an SOM graduate, batch '91, sta. mesa, mla. Please don't stop believing and trusting these children of Fr. Al. They deserve to live and to love. And children who are still inside the Sisters of Mary School please take care of the blessings that are coming your way, you are blessed indeed and I am one of them....
God Bless and Fr. Al you deserve to be hailed.
Thanks for posting this to raise the name of our school, sir.
The school is a miracle on progress. You can't find any other school in the whole Philippines that offer this type of support to the underpriviledge like us.
We are so thankful of our father founder Fr. Al, for giving us new hope in life. We will bear his name, and our pride of our Alma Mater. We will always be proud SMS graduates :)
Confirm it all TRUE!!!! Sa Silang Cavite din po naka himlay ang Founder nila na si Fr. AL . I can testify myself na ang mga graduate dito ay pwede na rin makapag apply ng trabaho dahil sa mga vocational courses na offer nila. Hindi basta basta ang mga studyante dito dahil, bago ka makapasok may exam at enterview na binibigay sa mga bata. at pag hindi ka discipline hindi ka makakapag graduate sa school na to.
They are the children from poor families and deserving girls and boys. For 3 and half years graduate na sila. Companies before graduation ay pumupunta na mismo sa school para sa mga job offers nila. Proud to be a friend of them.
maraming salamat po! :-)
ipinagmamalaki ko pong isa ako sa libu-libo naang nakapagtapos na sa paaralan at tahanan naming ito...
tuloy po kayong lagi sa aming tahanan...
i am proud of being a Sisters of Mary graduate it's because it motivates me a lot not just in my work but in my relationship with others most especially to God..
"....mga kabataang minsa’y pinagmalupitan ng lipunan at sariling tahanan." I find this line very harsh...or na misinterpret lang ako, please clarify...i'm sorry...
Good to hear this Sec. Lapus. Actually marami na po ang mga nakapagtapos dito sa school na ito na kasalukuyang mga OFW, negosyante, at mga business executives na nasa iba't-ibang bansa. Superb talaga ang school na ito, isa kami sa mga naunang produkto nito. Kasalukyang nasa Gitnang-Silangan ako bilang chief executive ng isang kompanya at malaki ang pasasalamat ko una sa Diyos, kay Fr.Al, at sa mga madre na naunang nagmahal sa amin sa panahong talagang kailangan ko at ng mga iba pang mga hikahos na mga bata.
yes its true pinakamalinis at disciplinado ang mga mag aaral sa sisters of mary school isa pa magaling sa mga sports,dance competition at higit sa lahat magaling sa academy. bec. i belong in that school.thnk u fr.al ur a great hero of our my life.
Sir Jesli,
Maraming salamat po sa mga magagandang sinabi mo sa paaralang minamahal ko ng lubos. Ako po ay graduate din ng Sisters of Mary. Masasabi ko pong napakalaking pribilihiyo para sa akin ang makapasok dito. Kung hindi po sa Sisters of Mary ay hindi sana ako makakapag aral ng high school. Malaking tulong din po ang SOM para makatuntong naman ako ng kolehiyo. SOM ang naging daan para naman makapasok ako bilang iskolar sa Meralco Foundation Institute na isa ring namang napakagandang paaralan. Sa katunayan po ay kayo, Sir Jesli ang aming guest speaker ng ako ay nagtapos sa MFI nung 2006.
Lastly, I would like to thank Fr.Al ,from the bottom of my heart for this wonderful institution. It is a great privilege to be one of Fr.Al's children.
"Let us serve the Lord with Joy"
Post a Comment